LALAKING NAGPAKILALANG PULIS, NABISTO NG AWTORIDAD SA URDANETA CITY

Nabisto ng mga tauhan ang isang lalaki na nagpakilalang pulis habang nagpapatrolya sa Brgy. Sta. Lucia, Urdaneta City, Pangasinan.

Ayon sa ulat, bigla umanong lumapit sa nakaduty na kapulisan ang suspek, na sakay ng isang motorsiklo, at nagpakilalang pulis mula Police Regional Office 3.

Kinwestyon pa umano ng suspek, sa nanunuyang tono, ang estado ng duty ng mga personnel at hinanap pa ang hepe at ibang opisyal ng himpilan.

Nang hingan ng PNP identification card, wala umanong maipakita ang suspek , at sa halip driver’s license lamang at Department of Agriculture ID ang kanyang ipinakita. Ngunit sa kabila nito, iginiit pa rin ng lalaki ang pagiging pulis.

Napatunayan naman ng awtoridad na hindi uniformed personnel ang naturang lalaki.

Agad siyang inaresto at nahaharap ngayon sa kasong Usurpation of Authority. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments