Apat na Arab countries, nadismaya sa negatibong tugon ng Qatar

Manila, Philippines – Ikinadismaya ng Saudi Arabia at tatlo nitong kaalyado bansa ang tila negatibong tugon ng bansang Qatar sa kani*la*ng mga inilatag na kundisyon.

Nabatid na ang Saudi Arabia, Egypt, Bahrain at United Arab Emirates ay pinutol ang diplomatikong ugnayan nito sa qatar dahil sa pagsuporta sa mga teroristang grupo.

Ayon kay Saudi Foreign Minister Adel Binb Ahmed Al-Jubeir – mukhang hindi nauunawaan ng mga qatari diplomats ang bigat ng sitwasyon sa kanilang rehiyon.


Ipinunto pa ng opisyal, nais lamang nilang tulungan ang Qatar.

Dahil dito, patuloy na mahihigpit ang apat na bansa sa Qatar dahil sa hindi pagsunod sa kanilang ultimatum.

Facebook Comments