Matapos ang mahigit 2 taong pagtatago, nahuli na ang suspek sa pagtangay ng mga mamahaling sasakyan ng isang negosyante.
Ayon sa biktima, nagkakilala sila ng suspek na si John Patrick Cruz noong 2016 sa isang pagtitipon kasama ang ilang kabigan.
Aniya, nang makuha ni Cruz ang kanilang loob nahikayat siya nitong mag-invest ng 8 hanggang 10 milyong pisong halaga ng sasakyan.
Nagpakilala pa raw ang suspek bilang asset ng gobyerno.
Pero matapos aniya niyang maibigay ang mga official receipt at certificate of registration ng sasakyan ay bigla na lang naglaho ang suspek.
Sabi ni Chief Inspector Bryan Andulan, nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest.
Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa publiko na maging mapanuri sa mga taong nakikilala at iwasan mag-post ng mga impormasyon sa social media.
Nahaharap si Cruz sa kasong paglabag sa Anti-Carnapping Law habang patuloy namang pinaghahanap ang mga kasabwat nito.