Lalaking nakabangga ng motorsiklo na may nakasakay na menor de edad, bugbog sarado sa Makati City

Makati City – Bugbog-sarado ang isang lalaki matapos mabangga at makaladkad ang motorsiklong may sakay na menor de edad sa barangay Singkamas, Makati City.

Ayon sa 17-anyos na biktimang tinago sa pangalang Calvin, naka-upo lang siya sa kaniyang motor nang mabangga ng Toyota Grandia.

Gayunman, kahit na nakakaladkad na aniya siya ay hindi pa rin huminto ang driver ng Toyota na nakilalang si Michael Lastima.


Dahil dito, sinundan ang van ng grupo ng mga nakamotorsiklo hanggang sa Arellano corner Bigasan street sa Barangay Palanan.

Binasag ng grupo ang salamin ng van, kinaladkad si Lastima palabas at saka kinuyog.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting damage to property si Lastima.

Facebook Comments