“Forest bus”, agaw-pansin sa Taiwan

Manila, Philippines -Agaw-pansin ang isang bus sa Taipei, Taiwan dahil kakaiba at mala-gubat na disenyo sa loob nito.

Katunayan, viral sa social media ang mga larawan ng tinaguriang “forest bus” na ang offer raw sa mga pasahero ay isang memorable na leafy ride.

Sa loob ng bus makikita ang iba’t ibang uri ng halaman gaya ng orchids, ginger lilies, ferns habang ang mga upuan ay nababalot na animo’y mga lumot.


Ang forest bus na gawa ng kompanyang travelling greenhouse ay umiikot sa art museum, templo at night market na ilan lang sa mga popular na lugar sa Taipei.
DZXL558

Facebook Comments