Lalaking nakipagtalik sa 2 stuffed toy sa mall, arestado

2010

Arestado ang isang lalaki sa United States matapos halayin ang dalawang stuffed toy sa isang mall noong Martes, Oktubre 22.


Nakipagtalik ang kinilalang si Cody Meader, 20, sa mga laruan sa Target sa St. Petersburg, Florida, ayon sa police report na inilabas ng The Smoking Gun kahapon, Oktubre 23.

Ayon sa report, bandang alas-2 ng hapon nang pumasok si Meader sa mall at unang pagdiskitahan ang maalking stuffed toy ng karakter na si Olaf mula sa Disney film na “Frozen”.

Inilapag niya ito sa sahig, kiniskisan ng ari hanggang sa labasan at ibinalik ang nadungisang laruan sa lagayan.

Hindi pa nakuntento si Meader at dumampot pa ng isang unicorn na stuffed toy na kanya ring dinumihan.

Ilang saglit matapos ang kahalayan, dumating ang pulisya habang nasa loob pa ng establisyimento si Meader.

Umamin namang nakagawa ng “stupid stuff” si Meader nang arestuhin ng pulis.




Napag-alaman naman ng pulisya na may “history” na ng ganitong asal ang lalaki na nakuha umano sa kanyang tatay.

Tinatayang umabot sa $200 o nasa P10,000 ang halaga ng napinsalang mga laruan na agad ding sinira ng awtoridad.

Nakalaya rin sa kulungan sa Meader matapos magpyansa ng $150 o higit P7,000.

Facebook Comments