Lalaking nanapak ng isang Iranian national, pinaghahanap na

36

Quezon City – Pinaghahanap na ang isang lalaking maintenance na inireklamo ng isang Iranian National matapos siyang sapakin sa Quezon City.

Nangyari ang insidente sa loob ng tinutuluyang unit ni Akbarzadeh kung saan tumawag ang biktima sa building administrator ng Manhattan parkway para humiling ng maintenance personnel para ayusin ang butas na tumutulo sa kanyang kwarto.


Dumating ang suspek na si Joey Lopez kasama ang kanyang supervisor na si Delgado Cayetano Jr. na tauhan ng JFSC Service Inc.

Pero matapos ang ilang minuto ay sinabi ni Lopez na hindi nila maayos ang tagas dahil kailangan pang linisan ang lababo.

Dito na sila nagtalo hanggang sa suntukin ng suspek ang dayuhan saka mabilis na tumakas.
DZXL558

Facebook Comments