MMDA, pangungunahan ang dayalogo sa mga hotel operators at restaurant owners tungkol sa on-street parking

225

Manila, Philippines – Pangungunahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isang dayalogo sa mga hotel operators at restaurant owners kaugnay ng pamantayan sa on-street parking na siyang nakakaapekto sa daloy ng trapiko sa mga business districts sa Metro Manila.

Makakasama ng ang mga miyembro ng hotel and restaurant association of the philippines para pag-usapan ang problema sa parking ng kanilang mga customers at kung paano malulutas ang mga ito.


Ang kakulangan ng parking spaces para sa mga sasakyan ng kani-kanilang customers ang nakikitang isang malaking dahilan ng traffic congestion sa Metro Manila.

Kaugnay nito, may mga commercial areas na may mga double parking na siyang nagpapaliit din sa mga kalsada kaya’t nais ng mmda na magawan ito ng paraan.
DZXL558

Facebook Comments