Isang Koreano na sangkot sa telephone fraud, kalaboso

40

Taguig City – Kalaboso ang isang Koreano na sangkot sa telephone fraud na nanloloko sa mahigit 50 nitong kababayan sa Taguig City.

Inaresto ang suspek na si Gunjun Sin, habang patuloy namang pinaghahanap ang dalawa kasamahan ng suspek.


Nadakip ang suspek sa The Fort, Global City kung saan nakuha mula sa kaniya ang apat na laptop at telephone sets, dalawang modems, apat na cellular phone at isang tablet.

Iti-nurnover na ang suspek sa Bureau Of Immigration kaugnay ng nakatakda nitong deportasyon pabalik sa kaniyang bansa sa South Korea.
DZXL558

Facebook Comments