Nagtamo ng saksak sa tiyan ang isang construction worker matapos saksakin ng katrabaho nito sa Brgy. Poblacion West, Sta. Maria, Pangasinan.
Kinilala ang suspek na isang 51 anyos at residente sa bayan. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kinutya at napagsalitaan umano ng biktima ang suspek dahilan kaya nagkasagutan ang dalawa.
Hindi umano nakapagpigil ang suspek kaya nasaksak ang biktima. Agad tumakas ang suspek ngunit naaresto sa isinagawang hot pursuit operation.
Nasa kustodiya na ng awtoridad ang suspek at haharap sa kaukulang kaso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments








