Reina Mercedes, Isabela – Dati nang may mga kasong Physical Injury,
Attempted Murder at iba pang kaso si Michael De Vera Luyun kung saan
pabalik-balik ito sa kulungan.
Ito ang nakikitang dahilan sa walang habas o takot na pagpatay nito
kamakailan kay Bernard Lastimosa na sinaksak at pinagtataga ng maraming
beses sa di lamang pagkakaintindihan noong March 8,2018 sa Nappaccu
Pequeno, Reina Merceds.
Si Luyun ay may pinakahuling kaso na Murder kung saan naisampa na sa korte
sa pamamagitan ni Judge Hon. Isaac De Alban sa RTC Brance 16, Ilagan City,
Isabela.
Ayon sa PNP Reina Mercedes, hiniling umano ni Luyun na sa piitan na lamang
ng Ilagan siya ikulong dahil sa may mga kaibigan umano ito sa Isabela
Provincial Jail, Ilagan City.
Sa pakikipag-ugnayan naman RMN Cauayan kay Elsa Lastimosa, panganay na
kapatid ng nasawing si Bernard, aniya nakakapaghinayang na nawala ang
kanyang kapatid dahil napakaresponsableng tao sa kabila na ito ay isang
binata pa lamang.
Nagtatanim lamang umano ng mga gulay si Bernard ngunit nakabili ng sariling
motor, mga kagamitan sa pagsasaka nito at nakakatulong ng malaki sa iba
pang pangangailangan ng kanyang mga kapatid.
Si Bernard Lastimosa ay 24 anyos at pangatlo sa kanilang pitong
magkakapatid.