Lalaking sangkot sa credit card fraud, arestado ng PNP Anti-Cyber Crime Group

Manila, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng PNP Anti-Cyber Crime Group (PNP ACG) ang isang lalaking sangkot umano sa credit card fraud.

Kinilalang ang suspek na si Stephen Francis Lucena Ng Tomas Mapua St, Sta Cruz, Manila.

Ayon kay PSupt Jay Guillermo, ang tagapagsalita ng ACG, ginamit ni Lucena ang credit card na pagmamay-ari ng isang Crispin Rumbawa.


Naaresto si Lucena sa ikinasang operasyon ng PNP ACG habang bumibili ng mamahaling cellphone sa Megamall ang suspek alas singko ng hapon kahapon.

Nakatakas ang kasamahan nitong si Nathanlia Tripon alias Liah kung saan naipasa niya ang cellphone na una nilang nabili.

Batay sa record ng bangko, umabot na umano sa 300, 000 piso ang halaga ng nabili ni Lucena gamit ang nasabing credit card.

Kakasuhan ng paglabag sa Anti Cyber Crime Act si Lucena.

Palusot naman ng suspek napulot lang daw niya ang credit card sa Tondo, Manila at sinubukang gamitin dahil wala itong trabaho.

pero Nagpagawa pa ito ng ID ng isang kilalang telephone company gamit ang pangalan ng nasa credit card upang palabasin na siya ang may-ari nito.

DZXL558

Facebook Comments