Lalaking sumuko para Malinis ang Pangalan, sangkot pala sa ibat-ibang krimen

Nalinis ni Jojo Pipikan Salamat ang kanyang pangalan sa Datu odin Sinsuat-Municiapl Police Station (MPS) makaraang mapatunayan nito na hindi s’ya ang hinahanap na suspek sa pagpatay kay Jameer Panday Ikay sa Baranggay Ambolodto, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Subalit tuluyang nadungisan ang pangalan ni Salamat makaraang madiskubre na sangkot s’ya sa pagnanakaw ng motorsiklo, may kinakaharap na kasong rape at inireklamo din ito ng abduction sa Datu Montawal-MPS kung saan s’ya nakakustodiya ngayon.
Ayon kay Datu Montawal-MPS Chief Police Capt. Rasul Pandulo, bago pa man mag-trending sa social media ang larawan ni Salamat makaraang i-ugnay s’ya sa pamamaril-patay kay Ikay ay “person of interest” na s’ya ng Datu Montawal-MPS dahil sa mga kinasangkutan n’yang kimen tulad ng motorcycle theft, rape at pagtangay sa 15 anyos na mayroong asawa at anak.
Matatandaang, nag-surface si Salamat sa Datu Odin Sinsuat-Police Station upang liwanagin na hindi s’ya si Alyas Pogi Ali na kalaguyo ng naka kulong nang si Ashna Guiamadil Ikay at ang pumatay sa mister nitong si Jameer.
Mas pinili ni Samalat na magpa kustodiya sa pulisya dahil sa takot nito para sa kanyang kalitagtasan dagdag pa ni Capt. Pandulo.(Daisy Mangod)

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments