Lalaking tumangging tumayo at kumanta ng “Lupang Hinirang” sa loob ng sinehan – inaresto

Clark, Pampanga – Isang lalaki ang inaresto matapos na hindi tumayo habang pinapatugtog ang “Lupang Hinirang” sa isang sinehan sa Clark, Pampanga.

Kinilala ang naaresto na si Bayle Einstein Gonzales, 20 years old.

Nakaupo raw si Gonzales sa harap ni Charge D’affaires Elmer Cato noong pinatunog ang national anthem.


Ayon ka Elmer Cato – dalawang beses niyang sinabihang tumayo ang lalaki para magbigay galang sa Pambansang Awit pero tumanggi siya at sa halip ay kumain ng popcorn.

Matapos manood ng pelikula, doon na siya nagsumbong sa mga pulis kung saan todo-tanggi naman sa alegasyon si Gonzales.

Siya ay maaaring maharap sa kasong paglabag sa Flag And Heraldic Code of the Philippines kung saan pwede siyang pagmultahin ng lima hanggang dalawampung-libong piso o makulong ng hanggang isang taon.

Facebook Comments