Miami Heat – tinambakan ng Indiana Pacers

NBA – Inilampaso ng Indiana Pacers ang Miami Heat, 120-95 sa nagpapatuloy na eastern conference ng NBA season.

Bumida sa panalo ng team si Bojan Bogdanovic na tumipa ng 26 points habang 25 points naman ang kay Myles Turner.

Umiskor naman ng 21 points si Wayne Ellington sa pagbabaka-sakaling maiangat pa ang puntos ng Heat.


Sunod na makakaharap ng Indiana Pacers ang Orlando Magic habang Boston Celtics naman ang sa Miami Heat.

Samantala, bigo rin ang Chicago Bulls na depensahan ang kanilang huling panalo matapos na lamangan lang ng walong puntos ng Phoenix Suns.

Facebook Comments