City of Ilagan, Isabela – Nakakulong na sa ngayon ang isang lalaking umabuso ng menor de edad matapos na mahuli ng mga otoridad kahapon sa Brgy. Bliss Village, Ilagan City, Isabela.
Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Officer 2 John Paul Nicolas, tagasiyasat ng PNP Ilagan City, sinabi niya na ang akusado ay si Roel Rivera Guillen, tatlumpu’t isang taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Cabisera 17-21, City of Ilagan.
Aniya, nahuli ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Isaac De Alban ng RTC Branch 16 ng Ilagan City sa kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abused na naganap lamang nitong September 21, 2018.
Giit pa ni PO2 Nicolas na boluntaryo naman umanong sumuko ang akusado nang isinilbi ang warrant of arrest nito.
Makakalaya lamang si Guillen kung makakapaglagak ito ng kaniyang piyansa na nagkakahalaga ng Php80,000.00.