Inaresto ng awtoridad ang isang lalaki sa Sta. Barbara, Pangasinan dahil umano sa ginagawa nitong panggugulo at Pag-aamok habang may hawak na umano’y baril.
Ayon sa pulisya, nakatanggap ang tanggapan tawag mula sa isang concerned citizen ukol sa umano’y panggugulo at pag-aamok ng naturang lalaki dala ang isang armas.
Agad itong nirespondehan ng awtoridad at dito nakita ang inirereklamong lalaki na nagsisisigaw dala ang isang baril.
Nang tanungin ang lalaki kung mayroon ba itong patunay na maaaring itong magmay-ari ng armas ay nabigo ito magpakita ng mga katibayan.
Dito na inaresto ang lalaki bilang paglabag sa illegal possession of firearm habang nakumpiska rito ang ilang calibre ng baril, isang magazine na naglalaman ng limang live ammunition ng cal. 9mm at isang cellphone.
Nasa kustodiya na ito ng Sta. Barbara Municipal Police station para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







