NAKOLEKTANG MGA GAMIT PANG-ESKWELA MULA SA DONATION DRIVE SA MAPANDAN, IPINAMAHAGI NA

Hindi lamang pintuan ng mga silid aralan ang nagbukas para sa mga estudyante ng Mapandan National High School nitong linggong ito, kundi maging ang mga puso ng mga taong bukas palad na magbigay ng mga bagay na magiging kapakipakinabang para sa mga mag-aaral.

Matapos ang isinagawang Donation Drive sa pangunguna ng Supreme Student Leaders Government, nakalikom ng mga schools supplies gaya ng ballpen, papel, notebooks, plastic envelopes, at iba pang gamit pang eskwela ang kanilang tanggapan na siya namang ipinamahagi sa mga estudyante nitong unang araw ng pasukan.

Nagpapasalamat ang buong student council sa pangunguna ng kanilang SSLG President, Ayesha Rhian Razo sa lahat ng may mabuting puso na handang tumulong at ramdam ang pangangailangan ng mga estudyante.

Ayon sa kaniya, naniniwala sila na ang ganitong simpleng paraan ng pagpapakita ng pagpapahalaga sa bawat isa ay magkakaroon ng malaking epekto na siyang magpapanatili ng pagkakaisa sa loob at labas man ng paaralan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments