Echague, Isabela- Bagsak kulungan ang isang lalaking wanted sa batas matapos itong madakip ng kapulisan sa Brgy. Silauan Sur, Echague Isabela.
Kinilala ang akusado na si Jackson Gaffud, 43 anyos, may-asawa at residente sa naturang barangay.
Nadakip si Gaffud sa bisa ng mandamyento de aresto na ipinalabas ni Judge Efren Cacatian ng RTC Branch 35 Santiago City sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Samantala, sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Echague Police Station ang akusado habang pansamantala naman itong makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng 220, 000 Pesos.
Facebook Comments