Cauayan City, Isabela – Kinilala ang Cagayan at Isabela bilang isa sa mga Dairy Zones ng bansa sa ginanap na 21st. Dairy Congress kamakailan sa Tagbilaran City, Bohol.
Sa naging mensahe ni Administrator Marilyn Mabale ng National Dairy Authority o NDA, ang Cagayan at Isabela ay isa sa mga rehiyon sa bansa na may magandang populasyon ng hayop tulad ng kalabaw na maaring pagkuhanan ng gatas.
Dahil dito nagpahayg naman ng buong suporta si Attorney Reggie Tamana, ang Representative ni Senator Cynthia Villar ang pagkakaroon ng batas sa Milk Feeding Program at mataas na pondo para sa pag-unlad ng mga hayop sa rehiyon dos.
Layunin umano nito na mapataas ang lebel ng produksyon ng gatas sa bansa mula sa isa hanggang dalawampung porsyento para sa taong 2022.
Samantala, kabilang sa anim na daang delegado na dumalo sa naturang Dairy Congress ay si DTI Region 2 Director Ruben Diciano at Industry Development Division Chief Mary Ann Dy.