Sa naging panayam ng 98.5 IFM Cauayan kay Dra. Arlene Lazaro, Assistant Provincial Health Officer ng Isabela, hinihintay na lamang aniya ng pamahalaang panlalawigan ang darating na supply ng bakuna para sa nasabing age group.
Oras na may suplay na ng bakuna sa Isabela para sa 5-11 years old ay sisimulan na ng bawat LGU ang pagbabakuna sa mga bata.
Pfizer vaccine ang gagamitin para sa mga batang babakunahan.
Kaugnay nito, tanging ang mga batang gusto lamang magpabakuna ang kanilang babakunahan na may kasamang gabay ng kanilang mga magulang.
Pero, hinihikayat ni Dra. Lazaro ang mga nangangambang magulang na dapat pabakunahan ang mga anak para na rin aniya sa kanilang proteksyon laban sa coronavirus.
Nilinaw ng Doktor na ligtas ang bakunang ituturok sa mga bata at wala naman aniyang programa ang pamahalaan na ikapapahamak ng mamamayang Pilipino.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17 at 18 taong gulang pataas sa Lalawigan.