Lalawigan ng Palawan hinati na sa tatlong lalawigan sa bisa ng nilagdaang batas ng Pangulo

Nilagdaan na ni Pangulong Duterte bilang batas ang panukala na naghahati sa Palawan sa tatlong lalawigan.

Nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act Number 11259 noong April 5.

Batay sa batas ay papangalanan ang tatlong lalawigan na Palawan Del Norte, Palawan Orieltal at Palawan Del Sur.


Bubuuin ang Palawan del norte ng 6 na bayan partikular ang Coron, Culion, busuanga, linapacan, tay-tay at El Nido.

Ang palawan oriental naman ay bubuuin ng 8 bayan partikular ang Roxas, Araceli, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, Cayancillo at San Vicente.

Mapupunta naman sa palawan del sur ang 9 na bayan partikular ang Aborlan, Narra, Quezon, Rizal, Española, Brooks Point, Bataraza, Balabac at Calayan.

Mayroon namang legislative district ang tatlong lalawigan na ihahalal sa 2022 elections at ang Puwerto Princesa City ay mayroong isang legislative district.

Mananatili parin namang mga Legislative Representatives sa lalawigan ang mga nakapuong Kongresista hanggang makapaghalal ng mga bago.

Tatayo naman bilang capital town ng Palawan Del Norte ang bayan ng Taytay, Palawan Oriental at Roxas at Bayan ng brooks point ang magsisilbing capital town ng Palawan Del Sur.

Facebook Comments