Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na hindi pa nakapasok ang Lambda strain na mas nakahahawa katulad ng Delta variant sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hanggang ngayon ay wala pang nadi-detect na ganitong klase ng variant sa bansa.
Aniya, “variant of interest” pa lang ang Lambda variant, batay sa World Health Organization (WHO) matapos ma-detect sa Peru noong 2020.
Sa ngayon ay wala pa aniyang pag-aaral sa bagong variant bagama’t may mga report na mas nakahahawa ito tulad ng Delta at Alpha variant.
Nabatid na nakarating na sa 30 bansa ang Lambda variant.
Facebook Comments