Land Bank of the Philippines, dinoble ang pautang para sa sektor ng agrikultura

Itinaas ng Land Bank of the Philippines ang kanilang pautang sa sektor ng agrikultura na P219.62 billion para sa buwan ng Hunyo.

Kabilang dito ang P42.31 billion pautang para sa maliliit na magsasaka, mangingisda at P177.32 billion sa mga negosyante sa nasabing sektor.

Sa ilalim ito ng Agri-Agra Reform Credit Act of 2009 kung saan maglalaan ang mga bangko ng 10 percent sa agrarian reform beneficiaries at 15 percent sa mga magsasaka at mangingisda.


Matatandaang P93.3 billion lamang ang pautang na ibinibigay ng banko para sa sektor ng agrikultura mula taong 2009.

Facebook Comments