Land Transportation Franchising and Regulatory Board, pinagbabayad ang Uber ng multa para muling makabyahe

Manila, Philippines – Pinagbabayad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Uber ng multang 190 million pesos para muling makabiyahe.

Ito’y matapos hilingin ng nasabing Transport Network Vehicle Service (TNVS) na bawasan ang isang buwan na ipinataw na suspension noong Agosto 14.

Ayon kay LTFRB Spokesperson at Board Member Atty. Aileen Lizada, inatasan din ang mga TNVS na magbigay ng financial assistance sa kanilang mga miyembro hanggang hindi nakakapagbayad ng naunang multa.


Nilinaw ni Lizada, ang nasabing halaga ng multa ay base sa ibinigay ng Uber ng data na mayroon silang 150,000 trips per day at may income na sampung milyong piso kada araw.

Tiniyak ng LTFRB na mapupunta sa national treasury ng bansa ang babayaring multa ng Uber.

Facebook Comments