Nag-aalok ng study-now-pay-later loan ang Landbank of the Philippines (Landbank) bilang tulong sa mga magulang at estudyanteng naapektuhan ng COVID-19.
Ayon kay Landbank President and CEO Cecilia C. Borromeo, pwedeng makakuha ng hanggang 300,000 pesos ang mga magulang o guardians/benefactors ng mga estudyante na mag-eenrol sa darating na Agosto.
Nabatid na ang pondo na gagamitin ay mula sa Interim Students’ Loan for Tuitions towards Upliftment of Education for the Development of the Youth (I-STUDY) lending program.
Bukas ito sa lahat ng mga magulang ng mga estudyanteng pumapasok sa paaralang may akreditasyon ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), o Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).