Mountain Province – Nasa 31 tao ang pinapangambahang na-trap sa gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na natabunan ng gumuhong lupa sa Barangay Banawel, Natonin, Mountain Province.
Ayon Kay Office of Civil Defense-Cordillera Administrative Region Director Ruben Carandang, nangyari ang landslide sa pagitan ng alas-4 at alas-5 Martes ng hapon.
Sabi ni Carandang, mahirap mapuntahan ang lugar na pinangyarihan ng landslide dahil malayo ito at tinatayang apat na oras ang kailangang lakbayin sa zigzag na daan mula sa Bontoc proper.
Pinaniniwalaan na ang pagguho ng lupa ay dulot ng pag-ulan na dala ng bagyong “Rosita” na nanalasa sa Northern Luzon.
Facebook Comments