iFM Laoag – Idineklara nang ‘Under state of Calamity’ ang Laoag City, Ilocos Norte dahil narin sa pinsalang dulot ng bagyong Ineng sa Lugar.
Nagpapatuloy parin ang paglikas sa mga pamilyang naapektohan sa baha at dumaramni narin ang bilang ng mga namamatay na alagang hayop kabilang ang mga baka, kambing, baboy at iba pa.
Lubog parin sa baha ang ibang bayan sa lalawigan ng Ilocos Norte at may mga lupang bumigay na lalong-lalo na sa mga gilid ng ilog.
Hindi rin naisalba ang ilang mga heavy equipment sa bayan ng Vintar na naiwan sa gitna ng ilog.
Samantala, patay naman ang isang menor de edad matapos matabunan ito ng gumuhong lupa sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte. Nakilala ang nasabing biktima na si Pauleen Joy Corpuz, 17 taong gulang at residente sa nasabing lugar. Sugatan naman ang mga kasamahan nito na nakilala na sina Princess Shalane Trumpo, 11 taong gulang at John Lloyd Trumpo, 9 na taong gulang.
Sugatan din ang magkapamilyang sina Jose Baysa, Elsa Baysa, Joel Baysa at Myla Baysa na pawang mga taga barangay Surong sa bayan parin ng Pasuquin dito.
Nasagip ang mga ito ng municipal disaster risk reduction and management council pati narin ang bangkay ng nasawing si Pauleen.
Bernard Ver, RMN News