Lapeña at iba pang sangkot sa pagpapalusot ng shabu na nasa magnetic lifters, kinasuhan ng NBI sa DOJ

Nagsampa ang National Bureau of Investigation o NBI ng reklamo sa Department of Justice o DOJ laban kay dating Customs Commissioner Isidro Lapeña at iba pang mga sangkot sa pagkakapuslit sa Bureau of Customs (BOC) ng 11 billion pesos na halaga ng shabu na nakasilid sa magnetic lifters.

Kabilang sa mga kasong isinampa laban kay Lapeña at iba pang respondents ay dereliction of duty, grave misconduct at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Kabilang din sa halos animnapung respondente sa kasong importation of illegal drugs, graft at grave misconduct, sina dating PDEA Deputy Director General Ismael Fajardo, Jr., dating PNP AIDG OIC Senior Superintended Eduardo Acierto, dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban, Police Inspector Lito Pirote at Joseph Dimayuga.


Una nang nagsampa sa DOJ ng hiwalay na kaso ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay ng naturang shabu shipment.

Facebook Comments