Manila, Philippines – Inabswelto ng dalawang komite ng Kongreso si dating customs chief Isidro Lapeña kaugnay sa nakalusot na bilyong pisong shabu shipment noong nakaraang taon.
Batay sa committee report ng dangerous drugs at good government and public accountability, inaprubahan nito na huwag kasuhan si Lapeña matapos hindi kakitaan ng pagkakaroon ng pananagutan sa naturang shipment.
Inirekomenda naman ng komite na imbestigahan sina dating customs intelligence officers Jimmy Guban, dating police Senior Superintendent Eduardo Acierto at dating Deputy Director Ismael Fajardo.
Nakasaad din dito na dapat kasuhan ang may-ari ng mga sasakyan na ginamit para makapasok sa warehouse sa Cavite kung saan natagpuan ang magnetic lifters.
Facebook Comments