Larawan ng dalawang suspek sa London terror attack, inilabas na ng British police

World – Inilabas na ng British police ang larawan ng dalawa sa tatlong suspek na responsable sa pinakahuling terror attack sa London.

Sa inilabas na larawan ng British police kinilala ang mga ito na si Khuram Shazad, 27-anyos at Rachid Redouane, 30-anyos.

Bukod sa tatlong mga suspek ay mayroon pang 11 ibang mga suspek ang inaresto.


Magugunitang sinagasaan ng mga suspek ang mga tao sa london bridge kung saan nasawi ang pitong biktima at ikinsugat ng 48 iba pa.

Nabatid na ito na ang pangatlong terror attack sa london sa loob ng tatlong buwan sa taong ito.
Photo from: nytimes.com
* DZXL558*

Facebook Comments