TNT Katropa, tinalo ang Meralco bolts sa first game quarterfinals series ng PBA Commissioner’s Cup

Manila, Philippines – Tinalo ng TNT Katropa ang Meralco Bolts sa iskor na 102-84 sa first game ng kanilang best of three quarterfinals series ng PBA Commissioner’s Cup.

Nanguna sa katropa si Jayson Castro na nakapagtala ng 25 points, anim na rebounds at pitong assists.

Nakapag-ambag naman ng 19 points si Joshua Smith habang mayroong 13 points at tatlong assists si Mo Tautuaa.


Ayon kay katropa coach Nash Racela, nagtulong-tulong ang kaniyang manlalaro at nagbigay ng kani-kanilang kontribusyon para manalo sa laban.

DZXL558

Facebook Comments