Las Piñas LGU, naglunsad ng “Bakuna Bus” para mas maraming residente ang maturukan ng bakuna kontra COVID-19

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas ang Bakuna Bus o Vaccination on Wheels.

Iikot ito sa loob ng tatlong araw kung saan nagsimula ito ng March 10 at magtatapos ng March 12, 2022.

Partikular na iikutan ng Bakuna Bus ang Barangay CAA/BF Intetnational na siyang pinakamalaking barangay sa lungsod.


 

Layunin ng pamahalaan lokal ng Las Piñas na maabot ang lahat ng mga residente nito upang mabakunahan.

Iba’t-ibang estratehiya ang isinasagawa rin ng Las Piñas LGU sa tulong ng City Health Office upang mas mapabilis at maparami pa ang mabigyan ng proteksyon na bakuna.

Kabilang na dito ang pagtungo sa mga barangay para magtayo ng mga vaccination site gaya sa mga club house, public market, covered court, compound, barangay health center, multi-purpose hall at simbahan.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 1.3 million na bakuna kontra COVID-19 ang nagamit ng City Health Office kung saan nasa 91% ng target na populasyon ang naturukan ng first dose habang 87% naman ang naturukan ng second dose.

Facebook Comments