Mayor Isko Moreno, itinanggi na humahakot ng tao sa kanilang mga sorties

Itinanggi ngayon ni Mayor Isko Moreno at ng partido nito na humahakot sila ng mga tao para kanilang makasama sa mga campaign sorties.

Nanindigan ang alkalde na ang kanilang plano ay ang direktang pangangampanya sa tao na sa kanilang pananaw ay mas epektibo para sa kanilang partido.

Ayon pa kay Mayor Isko, nais nilang mas mapalapit sa taumbayan kaya ginagawa nila ang kanilang mga campaign sorties sa mga komunidad.


Mariin rin niyang itinanggi na nagbibigay sila ng bayad sa mga taong nagpupunta sa kanilang mga sorties.

Giit pa ng pambato ng Aksyon Demokratiko sa pagka-pangulo mapapansin din ito ng media sa tagal na rin ng kanilang pagsama ng mga sa bawat pinipuntahan nilang lugar.

Dagdag pa ni Mayor Isko, ito rin ang mismong dahilan kung bakit sila naka-direkta sa mga komunidad para mangampanya gaya ng basketball court.

Paraan din ito upang hindi na gumastos pa ng pamasahe ang mga tao at kayanin lang na maglakad upang makadalo sa kanilang mga sorties.

Facebook Comments