Las Vegas shooting incident, umakyat na sa 59 ang patay at 527 ang sugatan

World – Umabot na sa 59 ang namatay habang umakyat na 527 ang sugatan sa malagim na mass shooting sa Las Vegas, Nevada.
Patay naman ang 64-anyos na suspek na si Stephen Paddock na nooy nasa ika-32 palapag ng mandalay bay casino hotel.
Nangyari ang ilang minutong pamamaril sa kasagsagan ng concert na katabi lamang ng casino.
Inakala umano ng mga nanonood ng concert na mga paputok (fireworks) lamang ang kanilang naririnig.
Pero nang magtuluy-tuloy ang putok, dito na nataranta ang maraming tao.
Nang dumating ang mga pulis at pasukin ang kuwarto ni Paddock nadiskubreng nagbaril na ito sa sarili matapos ang pamamaril.
Sa pag-iimbestiga ng pulis, nakarekober sila ng 18 firearms, explosive at libo-libong rounds ng ammunition.
Samantala, inako ng Islamic State ang madugong pag-atake sa Las Vegas.

Facebook Comments