Lasenggong Mister, Patay nang Malunod sa Kanal!

Cauayan City, Isabela- Patay na ng maiahon ang isang lalaki matapos itong mahulog at malunod sa malalim na bahagi ng canal sa Bacarra Street Extension, Purok 4, Brgy. San Luis, Solano, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang biktima na si Ernesto Tangonan, 63-anyos, byudo at residente ng Brgy. San Luis, Solano, Nueva Vizcaya.

Napag-alaman na galing sa isang okasyon si Tangonan at napainom muna umano ito bago umuwi sa kanilang bahay.


Habang pauwi ang biktima sa kanilang bahay ay hindi umano nito napansin sa madilim na lugar ang malalim na bahagi ng kanal.

Dito na umano nahulog ang biktima na sanhi ng kanyang pagkalunod at pagkamatay.

Facebook Comments