Lasing na armado ng bolo na nag-amok sa Tondo, arestado

Tondo – Sa kulungan ang bagsak ng isang lasing na lalaki makaraang mag amok sa 695 Laguna Exit, Brgy. 152, Zone 14, Tondo, Manila.

Arestado ng mga otoridad si Weng Angeles, 31 taong gulang, isang tricycle driver.

Ayon sa Kagawad ng Barangay na si Jevie Delos Reyes, nasa loob sya ng barangay hall nang makatanggap sya ng reklamo mula sa mga concerned citizen na nagwawala ang isang lasing na may dalang bolo.


Dahil sa peligro na maaaring idulot nang pag aamok, agad na rumesponde si Reyes kasama ang iba pang barangay officials para pahupain ang tensyon.

Maayos naman na nakipagnegosasyon ang lasing at makaraan ang ilang minuto ay boluntaryo itong sumuko sa mga otoridad.

Ayon kay Angeles, nagdilim na lamang ang kanyang panigin dahil may kaaway sya.

Bukod dito, hindi naman na sya nakapagbigay ng ibang detalye.

Wala namang naitalang nasugatan sa pag aamok.

Dahil sa ginawa, mahaharap ngayon sa kasong breach of peace at illegal possession of illegal weapon ang naaresto.

Facebook Comments