Lasing na pasahero, binalot ng plastik nang tangkaing buksan ang pintuan ng eroplano

(JUAN BARRETO/GETTY IMAGES)

Nagkagulo ang mga pasahero ng eroplanong Boeing 777 papuntang Thailand nang tangkaing buksan ng isang lasing na lalaki ang emergency door habang nasa may taas nang 33,000 feet ang naturang sasakyan.

(Picture: Anna Liesowska/east2west news)

Ayon kay Russian TV reporter na si Elena Demidova na nakakita ng buong pangyayari, napansin nila umano ang kaguluhan malapit sa emergency exit kung saan sinusubukang pakalmahin ng cabin crew ang isang pasaherong nagwawala.


“Suddenly the sign fasten your seat belts began to flash. Why? Minutes later the captain explained a passenger in the rear of the plane was drunk and rowdy,” sabi ni Demidova.

Isang doktor raw ang sinubukang pakalmahin ang lalaki ngunit mas lalo raw naging malala ang sitwasyon.

Dito na sila humingi ng ‘plastic food wrap’ para ibalot at itali sa plastik ang naturang lalaki nang hindi makawala.

“A doctor tried to calm him. Then tougher measures were taken. They tried to use plastic food wrap to tie him. Seven people were holding him, but nothing helped,” aniya.

Sinubukan na raw tumulong ng iba pang pasahero na sawayin at pigilan ang lasing na pasahero.

Dahil dito, napilitan umanong mag-emergency landing ang eroplano sa Uzbekistan kung saan dito ay agad nilang idinulog sa pulisya ang lalaki.

Samantala, nang muling lumipad ulit ito matapos ang apat na oras na delay, isa na namang bagong pangyayari ang nagpagulo sa mga pasahero.

Dalawang lasing na pasahero kasi ang nagtatalo at kinakailangang paghiwalayin ng cabin crew.

Isa pang insidente ang nangyari sa cr ng eroplano kung saan isang pasahero naman ang nahuhuling naninigarilyo na agad na inaresto ng Thai police.

Sa twitter post ni Demidova, sinabi nito, “It is the first time I have been on such an eventful flight. Thank goodness that all of us are still alive.”

Samantala, matatandaang noong nakaraang buwan lamang, isang babae sa China ang nahuli matapos nitong buksan ang emergency exit sa Xiamen Air Flight mula Wuhan City to Lanzhou na nagdulot ng isang oras na delay ng flight.

Facebook Comments