Latag ng seguridad para sa SEA Games, plantsado na – NCRPO

Handang-handa na ang NCRPO sa latag ng seguridad para sa SEA Games na gaganapin sa ating bansa.

Ayon kay NCRPO Chief Brig. Gen. Debold Sinas, nasa 8,000 tauhan ang ipapakalat kasabay ng aktibidad bukod pa sa libu-libong force multiplier tulad ng  security personnel sa mga hotel at pagdarausan ng palaro.

Sa November 22 pa lamang magsisimula nang ipatupad ang heightened alert status habang pagsapit naman ng Novembe 25 hanggang December 14 nakataas na ang full alert status.


May mga pulis naka plain clothes o nakasibilyan sa loob at labas ng venue pero ang mga ito ay walang dalang armas.

Inaasahan ng NCRPO na bukod sa paglalaro sa SEA Games mamamasyal din ang mga bisita dito sa Metro Manila kaya at kasama din ito sa kanilang pinaghandaan.

Samantala, para sa mga nais manood live sa SEA Games, bawal magdala ng bottled water na maaring gamiting pambato o kaya naman paglagyan ng liquid bomb.

Hanggat maaari huwag na din magdala ng malalaking bag para hindi pagdudahan ng mga otoridad.

Facebook Comments