Mariing itinanggi ng Department of Education (DepEd) ang paratang ng Alliance of Concerned Teachers na mayroong mga learning modules na late nang idine-deliver at hindi na maaaring magamit ng mga estudyante sa ilalim ng distance learning setup.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, ang pondo sa pag-iimprenta ng Self-Learning Modules (SLMs) ay nai-download na sa regional offices, divisions, at mga eskwelahan.
Ang pag-iimprenta ng learning materials ay isinasagawa sa local level.
Hindi aniya kapani-paniwala na mayroong rehiyon na late na dumadating ang learning modules lalo na at nag-umpisa ang klase pa noong Oktubre.
Nabatid na pinuna ni ACT National Spokesperson Benjamin Valbuena sa DepEd ang nasasayang na pondo dahil sa delayed modules lalo na sa Ilocos Region.
Ang mga paksang nilalaman ng mga naturang modules ay napag-aralan na ng mga estudyante kaya hindi na ito mapapakinabangan pa.