Lawak ng pinsala sa Marawi City, maitutulad na sa Syria at Iraq

221

Marawi City – Maitutulad na sa Aleppo, Syria at Mosul, Iraq ang lawak ng pinsala sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Restituto Padilla, dahil sa tindi ng bakbakan laban sa Maute Terror Group ay halos masira na ang mahigit sa kalahating mga ari-arian na naiwan ng mga residente ng lungsod.

Sa katunayan, hanggang ngayon ay mayroon pang mga iniwang bomba ang teroristang grupo sa bawat bahay o gusali sa Marawi na nagsisilbing pain ng mga ito sa sinumang magtatangkang pumasok sa kanilang mga pinagkukutaan.


Ito ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang pag-iingat ng tropa ng gobyerno sa ginagawang clearing operations sa lungsod.

Facebook Comments