Pagiging kayod kalabaw ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinagmalaki ng Malakanyang sa unang taon nito sa serbisyo

204

Manila, Philippines – Ibinida ng Malakanyang pagiging masigasig at abala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unang taon nito sa puwesto.

Sabi ni Communications Sec. Martin Andanar, umabot sa 1,355 ang naging aktibidad ni Pangulong Duterte sa buong isang taon nito.

Malayong malayo aniya ito sa unang taon ng nakaraang administrasyon.


Dagdag pa ni Andanar, kung tutuusin ay wala halos pahinga ang Pangulong Duterte.

Kaya naman nakiusap si Andanar sa publiko na huwag nang intrigahin kung nawawala ang Pangulo at bigyan naman ito ng pagkakataong magpahinga.

Facebook Comments