Camarines Sur- Salungat sa gawain bilang alagad ng Diyos, kakaiba ang sideline ng isang lay minister matapos itong mahuli ng mga awtoridad.
Si Kenneth Baita ng Barangay San Ramon, Baao, Camarines Sur, isang lay minister ng kanilang parokya ang nakakulong ngayon sa bilangguan matapos ang pag-implementa ng search warrant ng Baao PNP sa lugar ni Baita madaling araw kahapon, dahil sa pagkakadawit umano nito sa pagtatransaksyon ng illegal na droga.
Kasama pa sa nahuli ng mga pulis ang kasamahan nito na kinilalang si Ewilfred Boreta kung saan nakulimbat sa kanila ang mga plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.
Nakatakas naman ang isa pang kasama ni Baita na si Jesus Barela.
Kaagad naman nagpalabas ng pahayag at reaksiyon ang parish priest sa nasabing bayan ukol sa naturang insidente kung saan binigyan diin nito na hindi nila kinukonsente ang mga illigal na gawain gaya ng pagkakaimbwelto ni Kenneth Baita isang lay minister sa iligal na droga.