Layunin ng deklarasyon ng Nat’l Dengue Alert, itaas ang public awareness – DOH

Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na ang pagdedeklara ng National Dengue Alert ay upang itaas ang kamalayan ng publiko hinggil sa bantang ito.

Ayon kay Duque – dapat lamang na maalarma ang publiko hinggil sa tumataas na kaso ng dengue sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, nakapagtala na ng higit 106,000 dengue cases sa bansa, 85% na mataas kumpara noong nakaraang taon.


Sa tantiya ng kalihim, posibleng sumipa pa sa halos 200,000 kaso ng dengue ang maitala.

Aniya, posibleng maulit ang naranasang krisis noong 2016, 2013 at 2009 kung hindi isasagawa ang precautionary measures.

Nasa ilalim ng Code Red o Full Mobilization sa Calabarzon, Bicol, Western Visayas, Northern Mindanao at Zamboanga Peninsula.

Nasa code blue o 50% agency resource mobilization sa Ilocos, Cagayan Valley, Mimaropa, Central Visayas, Eastern Visayas, Davao, Bangsamoro Region at Cordillera.

Sa Metro Manila, bumaba ang kaso ng dengue ng 21% kumpara noong nakaraang taon.

Facebook Comments