Magiging presenter sa 74th Tony Awards sa New York ang Filipina singer at actress na si Lea Salonga.
Ibinahagi mismo ito ni Lea sa kaniyang Twitter account.
Gaganapin ang event sa Winter Garden Theatre sa New York sa September 26 (US time).
Masayang-masaya naman ang singer na muling makakabalik sa nasabing prehistoryosong awarding ceremony.
Maliban kay Lea, maraming stars din ang dadalo sa event tulad nina John Legend, Jake Gyllenhaal, Lindsay Mendez at iba pa.
Unang nagawaran ng Best Actress award sa Tony award si Lea noong 1991 para sa kaniyang role na Kim sa Miss Saigon.
Facebook Comments