League of the Filipino Students, kinundena ang mga mahistradong pumabor sa Martial Law sa Mindanao

Manila, Philippines – Kinukundena ng League of the Filipino Students (LFS) ang mga mahistrado na bumoto pabor sa pagdideklara ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte, bunsod ng bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group.

Ayon kay JP Rosos, National spokesperson ng LFS, malinaw naman na hindi ito solusyon sa kaguluhan sa Marawi dahil hanggang sa kasalukuyan, hindi naman aniya humupa ang tensyon doon, bagkus ay lumalala lamang ang siwasyon sa Marawi.

Ayon kay Rosos, ikinakababahala rin nila na maging simula ang desisyong ito ng Korte Suprema upang palawigin ng Pangulo ang Martial Law sa buong bansa.


Dapat aniya ay naging aral na ang kasaysayan ng bansa, na kahit kailan ay wala namang naidulot na maganda ang batas militar, bagkus ay nagiging susi lang ito ng pang-aabuso.

Matatandaang isa ang League of the Filipino Student sa mga nagsagawa ng kilos protesta matapos ang ginawang deklarasyon ni Pangulong Duterte ng Martial Law sa Mindanao.

Facebook Comments