Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa mga dam sa Luzon.
Ayon kay Jason Bausa, hydrologist ng PAGASA, bumaba na sa 200.97 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan.
Nasa 101. meters naman ang lebel ng tubig sa Ipo Dam habang nasa 265.86 ang lebel ng tubig sa San Roque Dam.
Naitala naman 749.18 meters na antas ng tubig sa Ambuklao Dam sa Benguet at 573.21 meters sa Binga Dam.
Ang Pantabagan Dam naman sa Nueve Ecija ay mayroong 205.21 meters ang lebel ng tubig na malayo pa sa critical low level na 171.5 meters.
Bumaba naman sa 170.32 meter ang antas ng tubig sa Magat Dam sa Isabela at 286.82 meters ang Kaliraya Dam sa Laguna.
Facebook Comments