Lebel ng tubig sa La Mesa Dam, patuloy pang bumaba

Patuloy pang bumaba ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam.

Ito na ang pinakamababa sa loob ng dalawang dekada.

Base sa update ng DOST-PAGASA hydrology division – bumulusok pa sa 68.72 meters ang water level ng dam.


Mababa ito kumpara sa 68.75 meters na naitala noong 1998 dahil sa El Niño.

Ang lebel naman ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan, ang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila ay bahagyang bumaba sa 199.25 meters kumpara sa normal level nitong 212 meters pero mataas pa rin sa minimum operating level nito na 180 meters.

Sinabi ng PAGASA na hanggang hindi mataas sa 180 meters ang level ng tubig ng Angat Dam, ang water supply sa Metro Manila ay mananatiling normal.

 

Facebook Comments