Hindi pa nagtakda ng pagpupulong ang LEDAC o Legislative Executive Development Advisory Council.
Ito ang sinabi ni Executive Secretary Victor Rodriguez dahil abala pa silang lahat ngayon sa State of the Nation Address (SONA).
Pagkatapos aniya ng SONA ay saka pa lamang nila pag-uusapan ang pagtatakda ng LEDAC meeting.
Bukod dito, dapat din aniya nilang tutukan ang paglalatag ng 2023 pambansang budget pagkatapos ng SONA sa Lunes.
Sinabi ni Rodriguez, mayroon lamang kasing 30 araw ang pangulo ng bansa mula sa araw ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso na magsumite ng panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Facebook Comments