LEGAL ADVICE SA NANAY, SUSTENTO PARA SA MGA ANAK – "Ini An Ley Series" with Atty. Angel R. Ojastro III

Dios Marhay na aldaw po saindo gabos. Gusto ta po tawan nin espesyal na pagbati an mga Nanay and mga tatay na grabe ang pagsakripisyo para sa saindang mga ka-akian. Good morning po sa gabos na mag-aragom, pangadyi ko po an saindong marhay na relasyon. Sabi sa Bible, sa:
Ephesians 5:33 However, let each one of you love his wife as himself, and let the wife see that she respects her husband.-
Dahil dyan, mayo po ning dahilan para magkasuhayan an mag-agom, dakul po nin komplikasyon sa buhay ang pagsusurahayan. Para po sa kaaraman kan gabos, base sa records kan Office of the Solicitor General, starting kan 2001 up to 2015, igwa nang 115,762 cases filed para sa pagpa hali bisa kan kasal or annulment and nullity of marriage. – dai pa po kabali sa bilang ang mga mag-agom na dai na nagpafile ning kaso, baka mas dakul. Pirang mga kaakian na po ang apektado kaiyan kun ang kada mag-agom na nagsusuhayan igwang at least 2 kids.
Kaya totokaron ta po ngonian ang text na pinadara sato kan sarong listener na suhay sa saiyang agom, basahon ko po:
“Atty., may 3 children po ako. pwede po ba humingi ng sustento sa unang agom, kasal sa sibil. Hiwalay na kami, may ibang babae na siyang kinakasama. Wala siyang pera pero may trabaho siya. Ano po ang pwede kong gawin bilang nanay ng 3 children namin?”
ANSWER: Tagalugin ko nalang po kasi mukhang hindi po purong Bicolana ang ating texter na bigyan natin ng pangalan na Anonymous Nanay.
Dahil ang tanong po ay para sa sustento sa kanyang 3 anak, ito po ang aking sagot.
Yes, maaari ka pong humingi ng sustento or support sa tatay ng mga bata, kung sila po ay menor de edad o kahit lagpas na sa pagiging menor de edad ngunit nag-aaral pa.
1. Ano po ba ang legal definition ng Support? Ang support ay lahat ng tungkol sa pangangailangan sa pagkain or sustenance, tirahan o dwelling, damit o clothing, pangangailangang medical o medical attendance, pag-aaral o education at transportation, na ayon sa financial capacity ng pamilya. (Article 194 of the Family Code of the Philippines)
2. Ano po ba ang mga basehan sa pag determina ng halaga ng sustento? Ang batas po ay walang sinasabi ukol sa actual na halaga ng sustento. At kung ang husgado man ay makapag fix ng halaga, ito po ay hindi rin permanenteng amount. Maaari pong i-adjust ang halaga, maaaring bawasan or dagdagan depende po sa pangangailangan ng anak at sa paglaki o pagliit din ng kinikita ng nagsusustento.
Kung si Anonymous Nanay ay meron ding trabaho, sya rin po ay dapat ding magsuporta sa kanyang mga anak, kaya ang halaga ng sustento ay maaaring hatiin o pagkontribusyonan nila ng Tatay depende po sa kanya-kanyang kinikita.
Pero ang judge ay maaaring mag-utos na ang Tatay lang muna ang susustento pansamantala at maaaring magclaim ang Tatay later sa Nanay para naman sa kanyang share kung may trabaho ang Nanay.
3. Kelan po puedeng hingin, at kelan DAPAT ibigay, ang sustento? Kaagarang dapat po itong ibigay sa mismong oras ng pangangailangan ng anak. (Article 203 of the Family Code of the Philippines)
4. Paano ba dadagdagan o babawasan ang halaga ng sustento? Puede nyo po itong hingin sa husgado, basta may ebidensya po kayo na lumaki na o nabawasan ang pangangailangan ng mga anak at lumaki o lumiit na rin ang kinikita ng Tatay na nagsusustento.
5. Meron po bang expiration date ang pagsusustento sa mga anak? Sa ating batas, ang sustento ay dapat ibigay hanggang mag 18 years old ang anak. (Section 3 of Republic Act 6809) Ngunit ang sustento sa pag-aaral o education ng anak ay dapat ipagpatuloy hanggang sa matapos ng anak ang pag-aaral sa loob ng normal na panahong ito ay matatapos, kahit po sobra na sa 18 years of age. (Article 194 of the Family Code of the Philippines)
6. May limit ba ang sustento sa education? Wala naman po, dahil lahat ng kailangan sa pag-aral tulad ng tuition, aklat, uniform, etc ay dapat ibigay. Kasama po ditto ang lahat ng gastusin sa pamasahe patungo at pauwi sa school or training center.
7. Sa paanong paraan ibinibigay ang sustento? Ito po ay sa pamamagitan ng: (a) Pagbibigay ng pera mismo or; (b) Pagkupkop ng Tatay sa kanyang anak. (Article 204 of the Family Code of the Philippines)
Pero ang pagkupkop po ay hindi pinapayagan ng batas kapag merong moral or legal na hadlang.
8. Ano po ang ilang examples ng moral or legal na hadlang sa pagkupkop ng nagsusustentong Tatay?
(a) Kung ang Tatay ay nagmalupit sa anak (Pascual v. Martinez, C.A. 37 O.G. 2418) (b) Kung ang Nanay ay minaltrato ng Tatay sa pagpapagawa ng mga sexual na kabastusan sa asawa (Goitia v. Campos Rueda, 35 Phil. 576)
Ano po ang puedeng gawin ngayon ni Anonymous Nanay?
Maaari ka pong magfile ng petition for support base sa Family Code. O magfile ka ng petition sa husgado base sa RA 9262 or ang batas laban sa violence against women and their children.
Under RA 9262, humingi ka po sa Court na mag issue ng protection order. Pumunta ka muna po sa office ng PAO or IBP local chapter. Libreng legal services po ang meron sila. May free legal aid program po ang IBP local chapter, sa Naga City po ang office nito ay nasa City Hall compound malapit sa Hall of Justice.
Bakit po base sa RA 9262 ang maaari mong i-file? Dahil ang sabing kawalan po ng pera ng Tatay ay hayagan o intentional na pag-iwas o pagtanggi nya sa kanyang obligasyon dahil sya naman ay may trabaho. Ito po ay puedeng maging kasong criminal or criminal case.
Sa RA 9262, ang pagputol o pagtanggi na magbigay sustento sa asawa at sa mga anak ay isang economic abuse na tahasang pinaparusahan sa batas.
Ang husgado po ay magbibigay sayo ng protection order at aatasan ang asawa mo na magbigay ng sustento bukod pa sa ibang kautusan.
Ano po ang nilalaman ng isang protection order patungkol sa sustento?
Base po sa SECTION 8 ng nasabing batas, bukod as iba pang proteksyon sa iyo at sa mga anak mo, uutusan din ng court ang Tatay na magbigay sustento, kaukulang percentage po ng kanyang kinikita ang kukunin regularly at i-wi-withhold ng kanyang employer at uutusan din po ang employer ng asawa mo na ibigay sayo directly ang amount. Kapag nag fail ang employer na i-remit o i-withhold ito, o kung i-delay ang pagbigay sayo ng na withhold na amount ng sustento ng walang magandang o tamang dahilan eh liable po for indirect contempt of court ang tatay o ang employer. Sila ay maaaring pagmultahin o ipakulong ng husgado.
Sana po ay nalinawan si Anonymous Nanay at ang lahat na mga Nanay at Tatay din.
Mga magurang, dai ta po pagpabayaan ang mga aki , suportahan ta sinda ning tama. The number of children without parental care and at risk of losing parental care are increasing across the Philippines.
In 2008, roughly 3.4 million children na-involved sa production, sale, and trafficking of drugs, sabi kan report by SOS Children’s Villages Philippines, an NGO.
As of February 2014, around 20,000 to 30,000 mga aki ang naireport to be involved in cybersex and online child pornography. Ang iba sainda were pushed into these kan saindang sadiring magurang.
In a 2013 report, girls under 19 years old were estimated na nangaki sa 570 babies every day or 208,050 babies per year. This means na 416,100 children ang at risk – with both the teenage mother and her child at risk of losing parental care.
Ang tamang suporta asin paggiya tang mga magurang ang makakalikay sa saindang katibaadan.
Bago po ako magpaaram, pagiromdom lang po sa mga husbands, para maiwasan ang suruhayan na nagreresulta sa mga problemang ini, sa pagkakawara sa tamang dalan kan mga aki, ayuson an relasyon sa mga agom. Yaon po satong mga husbands ang bola. Ini po si Atty. Angel Ojastro III, Aramon an saindong derecho, INI AN LEY!!!

Facebook Comments